Pinaghahandaan na ng pamahalaan ang posibilidad ng biglaang pagtaas sa kaso ng COVID-19 sa bansa habang papalapit na ang kapaskuhan.
Sa lingguhang ulat sa bayan ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na mayroon na silang inihahahndang contingency plan sakaling mangyari ito.
Ayon kay Duque, bagama’t patuloy ang pagbaba sa naitatalang kaso kada araw, hindi aniya ito magiging dahilan para mapanatag o mas magluwag ang pamahalaan.
Kaugnay nito, muling pina-alalahanan ni Duque ang publiko hinggil sa pagtungo sa mga matataong lugar.
Patuloy ang ating panawagan sa publiko patuloy na istriktong sumunod sa minimum public health standard habang tayong lahat ay nasasabik sa pagdating ng pasko at bagong taon, pinaaalalahanan ng DOH na narito pa rin ang banta ng COVID-19 kung kaya’t nararapat ang ibayong pag-iingat upang panatilihin ang kalusugan natin at ng ating mga mahal sa buhay ,″ pahayag ni Duque