Magsasagawa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) test ang Department of Health (DOH) sa mga evacuees sa Tuguegarao City.
Ito’y matapos makapagtala ng 3,500 evacuees sa lugar matapos manalasa ang Bagyong Ulysses.
Ayon kay Mayor Jefferson Soriano, prayoridad na isasailalim sa test ay ang mga evacuees na nagpapakita ng sintomas ng pagkakaroon ng nakahahawang sakit.
Inaasahang matatapos ang pagsasagawa ng test sa mga evacuee sa loob ng tatlong araw.
Sa ngayon ay mayroong 477 kaso ng COVID-19 sa lungsod simula noong Marso at mayroong 118 aktibong kaso at limang nasawi.