Nilinaw ng Food and Drug Administration na wala pang rehistradong bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa FDA, hanggang sa ngayon ay wala pang application for registration na natatanggap ang FDA para sa anumang bakuna kontra COVID-19.
Ibig sabihin umano nito ay wala pang ibinebenta o maaaring makapagpabakuna.
Posible umanong mayroong mabili sa online ngunit hindi ito dumaan sa registration process ng FDA at wala ritong ibinigay na proper authorization.
Kasabay nito, nanawagan ang FDA sa publiko na i-report sa ahensya kung may napag-alamang nagbebenta ng bakuna kontra COVID-19.