Ginugunita ngayong araw ang International Day for the Elimination of Violence Against Women.
Ayon sa United Nations, patuloy na tumitindi ang pang-aabuso sa kababaihan lalo na ang domestic violence.
Ito’y sa gitna ng laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ng halos buong mundo.
Nariyan din ang iba’t ibang uri ng pang-aabuso sa kababaihan tulad ng human trafficking at child marriage.
Kaugnay nito, hinihikayat ng United Nations ang buong mundo na patuloy na labanan ang mga pang-aabuso sa kababaihan.