Hinamon ni Infrawatch Convenor Terry Ridon ang Senado na repasuhin ang infrastructure allocations ng lahat ng mga Congressional Districts na nakasingit sa panukalang 2021 National Budget.
Ito’y kasunod ng naging pagbubunyag ni Sen. Panfilo Ping Lacson na may mga dambuhalang infra projects ang mga mambabatas na nagkakahalaga ng bilyong – bilyong piso.
Pero sa paghimay ng Senado para sa pondo ng Deparments of Energy at Education, ibinunyag ni Senate President Pro – Tempore Ralph Recto na marami pa ring sektor ang salat sa pondo.
Kabilang na riyan ang 2.3 na mga estudyanteng hindi pa rin makalahok sa online learning dahil sa wala pa ring kuryente sa kani-kanilang lugar bukod pa sa mga lugar na matinding sinalanta ng nagdaang mga kalamidad.
Sa pagdinig, inamin ng DepEd na nangangailangan sila ng 3.85 billion pesos para bigyang kuryente ang mga Paaralan habang 25 billion pesos naman ang kailangan ng DOE para matanggal ang backlog para sa household connections.
“The senate should review all infrastructure allocations in all congressional districts and also not lose sight in similarly reviewing NTF-ELCAC’S P16.44B as these also include infrastructure projects which may be reallocated to more pressing current concerns such as distance learning, disaster response and the COVID 19 pandemic”paliwanag ni Ridon.
Sa paghimay naman ng Senado sa pondo ng Department of Public Works and Highways o DPWH, lumabas na mahigit 440 bilyong piso ang nakalaan para sa Congressional Districts, nasa hanggang 15 billion pesos ang para sa infrastructure projects ng bawat Kongresista at may double funding pa.
Dahilan ayon kay Sen. Lacson para sabihing may “PORK BARREL” ang mga Kongresista na iba man ang pangalan ay pareho lang ang sistema.
“Hindi pork. Pero ‘di rin nabago. Hindi pork ang tawag, kasi walang post-enactment identification. Identified na. Kaya ang nangyayari, iniikutan nila ang SC ruling.. sa General Appropriations Bill (GAB) pa lang pina-identify ang proyekto, so walang pork in the strictest sense of the word. Pero sa implementation hindi nawawala ang commission,” paliwanag ni Lacson kung saan mas mataas na budget ay mas mataas na komisyon.
“some lawmakers are eager to realign funds to develop their districts, there are some who have shown no interest pursuing any local development program. Ang kinukwenta lang nila yung kikitain nila. Yan ang issue na nire-raise ko” pagtatapso pa ni Lacson.