Libre nang maipaaabot ng publiko ang kanilang mga reklamo, hiling at hinaing sa gobyerno sa pamamagitan ng text messages.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nilagyan na ng Office of the President ng text service platform ang 8888 citizens’ complaint center na nagkaroong soft launching noong November 3.
Aniya, libre o walang bawas sa load ang pagte-text sa 8888 para sa dalawang telecommunications company na Globe at Smart at kani-kanilang mga subsidiary.
Umaasa naman si Roque na mas mapapalakas pa nito ang kampanya ng administrasyong Duterte para sa maayos na pamamahala.
Kaugnay nito binalaan ng kalihim ang tiwali, tamad at hindi maaasahang opisyal ng pamahalaan.