Aabot na sa halos 6 na milyong Pilipino ang naka-kumpleto na ng unang step sa registration para sa Philippine Identification System (PhilSys) ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Batay sa tala ng PSA, nasa 5,788,615 na indibidwal ang kumpleto na ang 1st step sa national ID Registration o katumbas ng 58.7% ng target ng psa na 9 na milyong Pinoy sa pagtatapos ng taon.
Lumabas din sa pagtatala ng psa ang 89 % ng mga nagparehistro ang walang bank accounts.
Ayon sa PSA, nagpapakita lamang ito ng lalong kahalagahan ng pagkakaroon ng national ID program dahil isa sa mga dahilan kaya walang bank account ang maraming pinoy ay dahil sa kawalan ng sapat na mapagkukunan ng lehitimong impormasyon ukol sa kanilang pagkakakilanlan.
Sa tulong umano ng national ID, inaasahang mas magkakaroon na ng access ang mga Pinoy sa basic banking services at iba pang financial services.
Samantala, target ng psa na maisagawa ang pagkuha ng biometric information gaya ng fingerprints, iris scans at front-facing photograph sa step 2 ng PhilSys registration.