Posibleng masimulan na ang mass vaccination kontra COVID-19 sa ika-2 bahagi ng taong 2021.
Ito ang inihayag ni Secretary Carlito Galvez Jr., Chief Implementer ng National Task Force Against COVID-19.
Aniya, worst case scenario na ang paglulunsad ng mass vaccination sa huling bahagi ng 2021 o unang bahagi ng 2022.
Sinabi rin ni Galvez na posibleng abutin ng hanggang limang taon bago matapos ng pamahalaan ang vaccination drive laban sa COVID-19.
Ito ay dahil sa aabot lamang sa 20 hanggang 30-M indibidwal kada taon ang kayang bakunahan ng pamahalaan.
Target naman ng pamahalaan na makakuha ng suplay ng bakuna sa 5 hanggang 6 na bansa sa oras na maging available na ito.