Sinimulan nang isailalim sa swab testing ang may 1K evacuees sa Rodriguez Rizal.
Ito ay upang maiwasan ang posibleng malawakang hawaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa mga evacuation centers.
Kabilang sa mga unang batch ng mga evacuees na isinalang sa testing ang 28 pamilya mula sa munting ilaw evacuation center sa Kasiglahan village.
Inaasahan namang maipalalabas ang resulta ng test sa loob ng 2 araw.
Batay sa pinakahuling tala ng lokal na pamaahalaan, umaabot na sa mahigit 1K ang kabuuang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Rodriguez.
Mula sa nabanggit na bilang 16 na lamang ang aktibo, 996 ang gumaling at 46 ang nasawi.