Isusunod na ng Department Of Health (DOH) ang rapid at antigen testing para sa COVID-19 na malagyan ng price range o capping.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, hindi nila maisabay ang pagtatakda ng price range sa rapid at antigen test dahil mas bago ang mga ito kumpara sa RT-PCR.
Sinabi ni Duque, kinakailangan pa nila ng karagdagang pag-aaral at makakuha ng sapat na datos bago lagyan ang mga ito ng price range.
Una nang nagpasiya ang pamahalaan na magtakda ng price cap sa mga isinasagawang pagsusuri kaugnay ng COVID-19 bunsod na rin ng magkakaibang presyuhan sa mga ospital at laboratoryo.