Ipinag-utos ng India ang pag-ban sa mas marami pang Chinese apps na ikinagalit naman ng China at mas nagpatindi sa tensyon sa pagitan ng 2 bansa.
Sa anunsyo ng Indian government, nasa 43 pang mga apps na karamihan ay nagmula sa China ang kanilang ipinagbawal.
Kabilang na rito ang shopping platform ng e-commerce giant na Alibaba na Aliexpress, workplace messaging tool na Dingtalk at streaming site na Taobao live.
Ayon sa Ministry of Electronics and Information Technology ng India, nakikibahagi ang mga naturang apps sa mga aktibidad na makasasama soberenya at integridad ng kanilang bansa.
Mariin namang kinondena ng China ang naging hakbang ng India at sinabing paulit-ulit lamang na ginagamit ng India bilang dahilan ang usapin sa national security.