Ginarantiya ni US President Donald Trump ang pardon para sa dati nitong National Security Adviser na si Michael Flynn na hinatulang guilty noong Disyembre 2017 matapos magsinungaling sa Federal Bureau of Investigation (FBI) sa ugnayan nito sa Russian ambassador to the United States noong kasagsagan ng 2016 Presidential Election.
Ito ay inanunsyo ni Trump sa kanyang official twitter account kung saan binati nito si Flynn sa pagbibigay niya rito ng full pardon .
“It is my Great Honor to announce that General Michael T. Flynn has been granted a Full Pardon. Congratulations to @GenFlynn and his wonderful family, I know you will now have a truly fantastic Thanksgiving!” inihayag ni Trump sa kanyang twitter post.
Matatandaang si Trump din ang nagpatalsik kay Flynn s pwesto noon matapos mapatunayang nakikipag-ugnayan ito kay Russian Ambassador Sergei Kislyak ilang linggo bago maupo sa pwesto bilang Presidente ng US si Trump.
Samantala, ito ang kauna-unahang pardon na pinagkaloob ni Trump na may pinakamataas na posisyon simula nang maupo siya sa pwesto.—sa panulat ni Agustina Nolasco