Pinapurihan ng Department of Justice (DOJ) ang naging hatol ng korte laban sa mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon na kapwa consultant ng National Democratic Front (NDF).
Ito’y may kaugnayan sa kasong kidnapping na isinampa laban sa kanila ng ilang sundalo ng pamahalaan na ipinadukot ng dalawa noong 1988.
Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, ang guilty verdict ng korte laban sa mag-asawang Tiamzon ay matituturing na tagumpay ng mga taga-usig ng pamahalaan.
Bagama’t hindi pa niya nabasa ng buo ang hatol ng korte, sinabi ni Guevarra namasaya siya sa naging resulta ng paglilitis at tiwala siyang maihahatid ang katarungan sa lahat ng kanilang naging biktima.