Paiigtingin pa ng Philippine National Police (PNP) ang latag ng kanilang seguridad ngayong panahon ng kapaskuhan bilang pag-iingat na rin sa posibleng pagdami ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay joint task force COVID-19 Shield Commander P/Ltg. Cesar Hawthorne Binag, nasa mahigit 61,000 security personnel ang nakakalat sa buong bansa.
Mahigit 54,000 rito aniya ay mula sa PNP habang ang nalalabing mahigit 7,000 naman ay mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP) at Philippine Coast Guard.
Maliban dito, may naka-standby pa ang PNP na mahigit 35,000 tauhan na maaaring i-deploy sakaling kailanganin.