Itinalaga bilang secretary general ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang isang 59-anyos na pari mula sa lalawigan ng Leyte.
Ayon sa CBCP, iniluklok si Monsignor Bernardo Pantin ng Archdiocese of Palo bilang bagong pangkalahatang-kalihim sa isinagawang Permanent Councils meeting nitong Miyerkules.
Papalitan ni Pantin si Fr. Marvin Mejia ng Archdiocese of Cebu na nagsilbi sa konseho mula pa noong 2013 pero nagtapos na ang termino noon pang ika-31 ng Oktubre ng taong kasalukuyan.
Sinasabing magtatalaga rin ng bagong assistant secretary-general ang CBCP dahil ito ang dating posisyon na hawak ni Pantin.