Isasalang sa libreng COVID-19 testing ang mga kauuwi pa lamang na seafarers.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), isasagawa ang test sa pamamagitan ng Philippine Ports Authority (PPA) simula Disyembre 1.
Maliban dito, binanggit ng DOTr na hindi muna sisingilin ng port fees ang mga shipping companies at operators bilang bahagi ng mga inisyatibo sa ilalim ng “Bayanihan to Recover as One Act” (Bayanihan 2).
Sinasabing maglalaan ang DOTr ng P270 milyon para sa COVID-19 testing ng mga ‘returning Filipino seafarers’.