Umakyat na sa higit 400,000 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa Europa.
Sinasabing nangyari ang pagsirit ng coronavirus cases at death toll kasabay ng pagbubukas muli ng mga shops bunsod ng holiday season.
Ipinag-utos naman ng ilang lokal na pamahalaan ang pagbabawal sa mga malalaking pagtitipon at maging ang pagkukumpol-kumpol sa loob at labas ng mga kabahayan o households.
Pinakamarami ang mga pumanaw sa Britanya na nasa 57,551 na sinundan ng Italya na 53,677, France na 51,914 at Espanya na 44,668.