Sa Amerika, nagpatupad na ng curfew ang San Francisco district sa California bunsod na rin ng biglang pagtaas ng naitatalang kaso ruon ng COVID-19.
Sa ilalim ng curfew, sinabi ni San Francisco Mayor London Breed na mahigpit nilang ipinag-babawal ang paglabas ng bahay ng kanilang mga residente mula alas 10:00 ng gabi hanggang ala 5:00 ng umaga.
Ipasasara rin ang mga indoor business sa lugar o ‘di kaya’y magbawas ng kanilang kapasidad bilang pag-iingat.
Isasailalim din sa mahigpit na polisiya ang San Mateo County na nasa labas ng San Francisco bagama’t kakaunti lamang ang naitatalang kaso rito ng virus.
Epektibo ang nasabing curfew simula ngayong araw, oras dito sa Pilipinas hanggang Disyembre 21.