Magsasagawa ng kilos protesta ang ilang grupo kasabay ng pagdiriwang ng Bonifacio day para kundenahin ang anila’y kapalpakan ng kasalukuyang administrasyon.
Ayon sa mga magkikilos protesta, kasama sa kanilang ipananawagan ang naging pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic na kumitil sa libo-libong mga Pilipino.
Magtitipon-tipon ang iba’t-ibang grupo sa kahabaan ng University Avenue sa University of the Philippines sa Quezon City.
Kasama sa magpoprotesta ang mga labor group makaraang maiwan ang milyon-milyong Pilipino na walang trabaho dahil sa epekto ng pandemya.
Habang ang mga grupo gaya ng anakbayan, kadamay ay magpoprotesta sa umano’y red-tagging at ang pagsasabatas ng kontrobersyal na anti-terror law.
Ang mga youth groups naman ay kukundinahin ang anila’y ‘criminal negligence’ sa pagtugon ng pamahalaan sa nagdaang mga sakuna.