Aabot sa 27 opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang isinailalim sa malawakang balasahan sa ilalim ng liderato ni PNP Chief P/Gen. Debold Sinas.
Inilipat sa Office of the Chief PNP si P/MGen. Celso Pestaño mula sa Directorate for Information and Communications Technology Management.
Papalitan si Pestaño sa DICTM ni P/BGen. Albert Ferro mula sa Police Regional Office 7 o Central Visayas.
Mula naman sa Quezon City Police District (QCPD), ililipat si P/BGen. Ronnie Montejo bilang Regional Director ng Central Visayas PNP kapalit ni Ferro.
Inilipat naman si P/BGen. Wilfredo Cayat mula sa Philippine National Police Academy (PNPA) patungo sa Office of the Chief PNP.
Napunta naman sa PNP Communications and Electronic Services si P/BGen. Conrado Pajarillo Gungon Jr. mula sa Directorate for Integrated Police Operations (DIPO) sa Western Mindanao.
Pinalitan ni Gungon si P/BGen. Joey Runes sa Communications and Electronic Services na napunta naman sa Office of the Chief PNP.
Mula naman sa Directorate for Operations, inilipat si P/BGen. Danilo Macerin sa National Capital Region Police Office (NCRPO) kapalit ni P/BGen. Ronald Olay na inilipat din sa Office of the Chief PNP.
Inilipat naman sa Directorate for Plans si P/BGen. Rene Pamuspusan mula sa Police Regional Office 6 o Western Visayas at papalitan ito ni P/BGen. Rolando Miranda mula naman sa Manila Police District (MPD).
Mula naman sa NCRPO, inilipat si P/BGen. Ronald Olay sa Directorate for Operations habang si P/BGen. Antonio Yarra ay inilipat mula NCRPO patungong Police Regional Office 4A o CALABARZON.
Itinalaga naman sa Police Regional Office 9 o Zamboanga Peninsula si P/BGen. Rolando Ylagan mula sa Northern Police District kapalit ni P/BGen. Jesus Cambay sa DIPO Southern Luzon na pumalit kay P/MGen. Jonas Calleja na nailipat din sa Office of the Chief PNP.
Mula naman sa Office of the Chief PNP, inilipat naman sa Directorate for Plans si P/BGen. Walter Castillejos habang balik naman sa NCRPO si P/BGen. Eliseo Cruz.
Inilipat naman sa DICTM si P/BGEn. Armado De Leon mula sa Directorate for Human Resource Doctrine and Development at papalitan ito ni P/BGen. Herminio Tadeo Jr na siya namang papalit kay De Leon.
Habang mula naman sa DIPO Southern Luzon, inilipat sa Office of the Chief PNP si P/BGen. Mario Rariza Jr.
Maliban sa mga Heneral, may 7 pang Opisyal na nasa rankong Colonel kabilang na ang dating tagapagsalita ng PNP na si P/Col. Ysmael Yu ang napasamasa ipinatupad na rigudon sa hanay ng PNP. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)