Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Filipino na gayahin ang pagiging makabayan ni Andres Bonifacio.
Ito’y sa pagdiriwang ng ika-157 kaarawan ni Bonifacio na nakipag-laban para sa kalayaan ng bansa.
Sa mensaheng ipinarating ni Pangulong Duterte para sa kaarawan ni Bonifacio, sinabi nito na dapat magsilbing inspirasyon sa mga Filipino na malampasan ang anomang pagsubok ang iniwang legasiya ng bayani lalo na ngayong may nararanasang pandemya.
Ang tapang at determinasyon umano ni Bonifacio ang magandang makuha ng mga Filipino ngayon para kaharapin ang mga pagsubok at umasa sa magandang kinabukasan.