Pumasok na sa PAR o Philippine Area of Responsibility ang bagyong may international name na Koppu.
Ang naturang bagyo ay pinangalanang Lando matapos pumasok sa PAR kaninang alas-2:00 ng hapon.
Ang sentro ng bagyong Lando ay namataan sa layong 1,440 kilometro silangan ng Luzon.
Ang weather bulletin kaugnay sa bagyong Lando ay ipapalabas ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) mamayang alas -5:00 ng hapon.
By Judith Larino