Dapat maging prayoridad sa pamamahagi ng bakuna kontra COVID-19 ang pinakasentro ng ekonomiya bago ang ibang mga hotspots na lugar.
Ito ang iminumungkahi ni Dr. Tony Leachon, dating adviser ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).
Ayon kay leachon, pitumpung porsyento ng economic epicenter ng ekonomiya ay nasa Metro Manila, CALABARZON at Central Luzon.
Dito aniya dapat simulan at unang tutukan ang pamamahagi ng mga inisyal na dose ng mga bakunang makukuha mula sa AstraZeneca, Pfizer at Moderna.
Paliwanag ni Leachon, sa ganitong paraan aniya makakamit ng pamahalaan ang target na dalawang taon na timeline sa pamamahagi ng bakuna sa halip na limang taon.