Iniimbestigahan na ng Philippine National Police (PNP) ang pagtaas ng demand sa marijuana sa Metro Manila.
Kasunod ito ng pagkakasabat ng mga awtoridad sa 217kl ng bloke ng marijuana sa Quezon, City kung saan 3 katao ang naaresto.
Ayon kay PNP Chief General Debold Sinas, nagmula ang mga naturang marijuana sa Cordillera region.
Kasalukuyan aniyang iniimbestigahan kung ginagamit na ng mga drug users ang marijuana bilang alternatibo sa shabu kaya nagkaroon ng pagtaas sa demand nito sa NCR at mga karatig probinsiya.
Samantala, idinepensa ni sinas kung paanong nakalusot ang daan-daang kilo ng marijuana gayong may mga nakalatag pa ring checkpoint papasok ng Metro Manila.
Paliwanag ni Sinas, plain view lamang ang ginagawa sa mga checkpoint at walang mga K-9 units na nakatalaga sa mga ito.