Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga katutubong lumad na sumasama sa Communist Party of the Philippines at New People’s Army na nakikipaglaban sa pamahalaan.
Kasunod ito ng pagkamatay ng anak ni Bayan Muna Representative Eufemia Cullamat na si Jevilyn sa engkwentro sa pagitan ng militar at rebeldeng grupo sa Surigao Del Sur.
Ayon kay Pangulong Duterte, mauubos ang lahi ng mga katutubong Lumad kung hindi aniya titigil ang mga ito sa pagsama sa mga komunistang grupo.
Kaugnay nito, hinimok ng Pangulo ang mga lumad na umanib sa NPA na sumuko na at magpabalik na sa kanilang mga tahanan.
Batay sa ulat ng Philippine Army, nagsilbi si Jevilyn bilang medic ng NPA at miyembro ng sandatahang yunit pampropaganda platoon of the guerilla front 19, Northeastern Regional Committee.
Kayong mga lumad umuwi kayo, sabihin niyo sa mga tao niyo niloloko lang sila ng mga NPA talaga,marami ang namatay ay lumad so these things go’s on, the lumad ‘yung native na Pilipino will be extinct tribe kapag hindi kayo huminto diyan, lumayas forever kayong wanted. Tingnan mo yung anak ni, anak niya mismo, babae pa, kapag babae ipinanglaban mo sundalo ay patay talaga″, pahayag ng Pangulong Duterte.