Kapuna-puna ang halos hindi na nasunod na physical distancing sa pagitan ng mga namimili sa Divisoria, kahapon Nobyembre 30, Bonifacio day.
Ito ay sa kabila ng walang tigil na apela ng mga awtoridad, sa gitna pa rin ng patuloy na pagharap ng bansa sa COVID-19 pandemic.
Hindi na inaalintana ng mga mamimili sa Divisoria ang halos pagsisiksikan.
Tila hindi na rin pinapansin ang mga nakapaskil na tarpaulin kung saan nakasulat ang mga paalala mula sa mga opisyal ng barangay hinggil sa pagsunod sa umiiral na health protocol.
Una nang pinaalalahanan ni Manila City Mayor Isko Moreno ang mga mamimili sa Divisioria at iba pang mga pampublikong pamilihan sa lungsod na sundin ang mga umiiral na health protocols lalo na ang physical distancing.
Inaasahan na rin ang pagdagsa ng tao sa Divisoria kahapon na deklarado bilang regular holiday.