Posibleng bawasan ng mga dayuhang kumpanya ang kanilang operasyon sa Pilipinas bunsod ng nararanasang pandemiya sa COVID-19.
Ito ang lumabas sa survey na isinagawa ng American Chamber of Commerce sa Indonesia at Economic Research Institute for Asean and East Asia hinggil sa epekto ng COVID-19 sa mga foreign firms sa Asean region.
Batay sa survey, pinag-aaralan ng 11% ng mga foreign companies na ikinunsidera ang pagbabawas ng operasyon na gawi ito sa Pilipinas.
Ito anila Kaya bagama’t malaking bahagi o 57% pa rin ng mga dayuhang kumpanya sa Asean ang walang planong magbawas ng operasyon.
Bukod dito, hindi rin anila pilipinas ang nangungunang bansa na ikinukunsiderang lipatan ng mga foreign firms na umalis ng China.
Ayon sa survey, pumapangatlo lamang sa pinagpipilian na lipatan ng mga dayuhang kumpanya ang Pilipinas kasunod ng Vietnam at Thailand.