Ipinag-utos ni PNP Chief Debold Sinas ang pagpapalakas ng mga operasyon kontra sa mga galamay sa labas ng piitan ng mga nakakulong na drug lords.
Ito ay matapos malansag ng PNP ang Cebu based drug operation ng convicted drug lord na si Ronald Aparecio Natividad alias Dodong Toldo na nakakulong sa San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga City.
Sinabi ni Sinas na ito ay patunay na patuloy pa ring napapatakbo ng mga nakakulong na drug lords ang kanilang iligal na operasyon.
Sa report ni PNP Drug Enforcement Group Director Police Brigadier General Ronald Lee kay Sinas dalawang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng 13. 6 million na halaga ang narekober ng mga pulis mula sa dalawang miyembro ng sindikato ni Natividad na sina Michael Johnlery Olid at Arnel Degulacion na nasawi matapos makipagbarilan sa mga otoridad sa isang buy bust operation sa South road properties, Barangay Mambaling, Cebu City.
Ang dalawa ay mga tauhan ng anak ni Natividad na si Dave Kelleher na nakakulong naman sa Mandaue City Jail sa kasong illegal drugs.