Losers o talunan.
Ganito ilarawan ni Senador Panfilo Lacson ang Makabayan Bloc sa Kamara matapos nitong taguriang venue for witch hunting ang isinagawang pagdinig ng Senado hinggil sa red tagging.
Sinabi ni Lacson na hindi makatuwiran ang ginawa ng Makabayan Bloc na hindi makatugon sa isyu.
Normal naman aniya sa mga taong maghanap ng masisisi o scapegoat ang mga talunan o losers.
Iginiit ni Lacson ang naganap na red tagging hearing sa Senado sa pangunguna ng kaniyang komite ay naging patas at nagbigay ng pagkakataon sa lahat ng panig na maihayag ang kanilang concerns.