Nangangamba ang ilang eksperto maging ang ilang Akalde sa Metro Manila kaugnay sa pagpapahintulot sa mga menor de edad sa mga mall kahit nariyan pa ang COVID-19.
Ayon kay Dr. Anna Ong-Lim ng Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines dapat na pag-aralang mabuti ang naturang mungkahi dahil sa panganib na hatid nito.
Maaari kasi aniyang makapagpasa pa rin ng virus ang mga menor de edad sa mga kasama nito sa bahay gaya sa mga senior citizen o may mga sakit.
Nauunawaan naman kasi umano kung ang isang tao ay lalabas para magtrabaho tanggap na nariyan na iyong risk at masasabing importante ito dahil ito’y kabuhayan.
Ngunit kung mamamasyal lang umano siguro ay dapat na pag-isipan itong mabuti.
Una rito, nagpahayag din ang Department Of Health ng pagtutol sa pagpapasok ng mga bata sa mga mall.