Umarangkada na ang pagtalakay sa ilang panukalang batas na naglalayong bigyan ng dagdag na benepisyo at libreng training ang mga power utility line worker o linemen.
Sa ilalim nito iminungkahi ang pagbuo ng isang Line Training Academy of the Philippine na magbibigay ng libreng training para sa mga kwalipikadong aplikante.
Ayon kay APEC Partylist Representative Sergio Dagooc, tuwing may tatamang kalamidad sa bansa, hindi naiiwasang maapektuhan ang mga linya ng kuryente.
Ngunit dahil sa kakulangan sa mga linemen sa bansa natatagalan ang pagsasaayos ng mga nasirang linya ng kuryente.
Nakasaad sa house bill 3247, isinusulong na dagdagan at palawigin ang insurance at benepisyo ng natatanggap ng mga linemen.