Sumakabilang buhay na si dating French President Valery Gisgard d’Estaing sa edad na 94 anyos.
Ayon sa kampo ng opisyal, nasawi ito matapos na dapuan ng COVID-19.
Mababatid na noong nakaraang buwan, makailang beses nang dinala si d’Estaing sa pagamutan dahil sa iniindang sakit sa puso.
Bago pinamunuan ni d’Estaing ang France, naging bahagi ito sa modernization ng French society na sumang-ayon sa divorce by mutual consent at iba pa.