Inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na kanilang aalukin ng higit sa 20,000 na mga trabaho sa IT at BPO ang mga Overseas Filipino Workers (OFW)’s na nawalan ng pinagkakakitaan bunsod ng masamang epekto ng COVID-19 crisis.
Mababatid na kabilang ang mga trabaho na pupwedeng pasukin ng mga OFW’s ay ang mga sumusunod: customer service, tech at IT support, IT developers at iba pa.
Ayon sa dole, sa ngayon ay nagsisimula na ang kanilang pag-contact sa mga returning o pabalik na mga OFW’s sa bansa para sa alok na trabaho.
Matapos nito, isasailalim ang mga OFW’s sa job matching at referral.
Bukod pa rito, ayon sa DOLE, sila pa’y maghahanap ng mga manggagawang may bagong kasanayan para mabigyan ng trabaho sa mga manufacturing companies.
Sa huli, hinimok ng DOLE ang mga kababayan nating OFW’s na magkaruon ng mga bagong pag-aaral o kasanayan gaya ng paglahok sa mga online trainings o kaya’y sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).