Nanawagan sa Social Security System (SSS) at PhilHealth ang isang labor group at employer’s group na huwag munang magtaas ng kontribusyon sa susunod na taon dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
Giit ni Kilusang Mayo Uno (KMU) Secretary-General Jerome Adonis, hindi makatuwiran na magkaroon ng dagdag-presyo sa kontribusyon lalo pa’t wala namang umento sa sahod ng mga manggagawa.
Batay sa ilalim ng batas, tataas ng 1% ang kontribusyon ng SSS simula January 2021.
Dahil dito, magiging P1,620 na ang hulog sa SSS mula sa dating P1,480 ng isang minimum wage earner habang mula sa dating P300 ay magiging P350 na ang minimum na kontribusyyon ng PhilHealth pagsapit ng Enero.
Samantala, maging ang Employers Confederation of the Philippines (ECOP) ay nagpahayag din ng pagtutol sa nasabing dagdag-kontribusyon.