Tali ang kamay ng Commission on Elections o COMELEC sa panawagan ng ilang grupo na magpatupad ng maagang “total gun ban” upang mapigilan ang mga election-related violence.
Ginawa ni COMELEC Spokesman James Jimenez ang pahayag kasunod ng hirit ng grupong Gunless Society at Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV.
Paliwanag ni Jimenez, naipatutupad lamang ang gun ban sa pagsisimula ng election period sa Enero 10 sa susunod na taon.
Una nang iginiit nina Atty. Nandy Pacheco ng gunless society at dating Amb. Tita de Villa ng PPCRV na dapat ipatupad nang maaga ang total gun ban bunsod ng pagpatay kay Mayor Randy Climaco ng Tungawan, Zamboanga-Sibugay.
By Jelbert Perdez