Naipamahagi na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang nasa higit P800-M halaga ng cash subsidy o ayuda sa mga operators ng pampublikong sasakyan sa gitna ng masamang epeto sa kabuhayan bunsod ng COVID-19 pandemic.
Ayon sa pamuan ng LTFRB, higit sa 120,000 na mga operator ng pampublikong sasakyan ang kanilang nabigyan ng tulong nitong nagdaang mga araw na aabot sa P802,860,500.
Mababatid na sa ilalim ng Bayanihan 2, inilaan ang higit P1.1-B para sa naturang ayuda.
Sa ilalim ng ‘Direct Subsidy Program’ ng LTFRB, makatatanggap ang operator ng P6,500 kada sasakyang nakasailalim ng kanyang prangkisa.