Inaprubahan na ng pamahalaan ng bahrain bilang emergency use ang bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Pfizer-Biontech.
Ayon kay Miriam Al-Jalahma, CEO ng National Health Authority ng Bahrain, ang naturang hakbang ay isa aniyang mahalagang COVID-19 response ng Bahrain.
Bago nito, noong Nobyembre lang ay inaprubahan ng Bahrain ang paggamit ng bakunang gawa ng Sinopharm ng China para sa kanilang mga frontline workers.
Kasunod nito, hindi naman nagbigay ng iba pang detalye ang Bahrain kung kailan magsisimula ang pamamahagi ng bakuna kontra COVID-19.