Binuksan ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang isang bazaar sa Mehan garden para makatulong sa mga maliliit na negosyo na muling makaahon mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Tampok sa naturang bazaar na ‘Paskuhan sa Maynila’ ang iba’t-ibang tindahan ng pagkain, damit, maging ng mga gadget.
Ayon kay Levi Facundo ng Bureau of Permits ng lungsod, layon nito na makatulong sa mga negosyante na mapaahon ang kanilang pinagkakakitaan.
Nasa bazaar din ang ‘Minda Tienda’ na tampok ang mga produkto ng mindanao gaya ng durian.
At syempre pa, hindi pahuhuli ang paborito ng bawat Pilipino tuwing kapaskuhan ang mga bibingka’t-puto bumbong maging ang sikat na hamon.
Bukas ang ‘Paskuhan sa Maynila mula nitong 1 ng Disyembre hanggang 2 ng Enero mula alas-4 ng hapon hanggang alas-11ng gabi.
Sa huli, nagpaalala ang pamahalaang Lungsod ng Maynila sa mga pupunta rito na panatilihin ang pagsunod sa mga umiiral na health protocols kontra COVID-19.