Asahan na muling makararanas ng mahina hanggang sa walang suplay ng tubig ang ilang customer ng Maynilad.
Ito’y dahil sa ipinatupad nilang water service interruption epektibo alas 10:00 kagabi, Disyembre 5 at tatagal hanggang alas 4:00 ng umaga bukas, Disyembre 7.
Kabilang sa mga apektado ng water service interruption ay ang mga lungsod ng Caloocan, Valenzuela at Quezon City sa Metro Manila gayundin ang mga bayan ng Meycauayan at Obando sa Bulacan.
Batay sa inilabas na kalatas ng Maynilad, pansamantalang ibinaba ang water production sa La Mesa treatment plant 2 upang magbigay daan sa urgent maintenance na nabalam dahil sa pananalasa ng bagyong Ulysses.