Suspendido ang pagpapatupad ng ramdom marijuana test ng NBA sa kanilang mga manlalaro para kanilang 2020-21 season.
Ayon kay NBA Spokesman Mike Bass, ito ang kanilang napagkasunduan kasama ang National Basketball Players Association (NBPA).
Aniya, napagpasiyahan ito bunsod na rin ng mga posibleng hindi inaasahang sitwasyon na maidulot ng pandemic.
Aniya, mas tututukan na lamang nila ang mga programa para sa mga manlalaro laban sa mga performance-enhancing products at drug abuse.