Mahigit 90% na o 92.9% ng mga tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang gumaling mula sa sakit.
Ito’y makaraang makarekober ang 9,062 na COVID-19 patients dahilan upang pumalo na sa 408,634 ang total recoveries sa Pilipinas.
Batay sa pinakahuling case bulletin ng Department of Health (DOH), sa nabanggit na bilang ay 22,646 na lamang ang active cases.
Nasa 1,768 naman ang naitalang mga bagong kaso kaya’t sumampa na sa 439,834 ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng sakit sa bansa.
Samantala, dahil naman sa pagpanaw ng 29 pang pasyente ay pumalo na sa 8,554 ang death toll.
Nanguna ang Quezon City sa may pinakamaraming bagong kaso na may 112 infections na sunundan ng Laguna (94), Rizal (90), Davao City (71), at Benguet (69).
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 1,768 ngayong Linggo, Disyembre 6.
Pumalo na sa kabuuang 439,834 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 22,646 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/m7hX0c91pw
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) December 6, 2020