Tumaas ang naitatalang coronavirus disease 2019 (COVID-19) recovery rate sa Taguig.
Ayon sa local government ng naturang lungsod, pumalo na sa 98.44% ang COVID-19 recovery rate sa lugar —mas mataas ito kumpara sa recovery rate sa buong National Capital Region na 95.19%.
Katumbas naman ito ng 9,597 na naka-recover mula sa 9,749 na tinamaan ng virus sa Taguig City.
Nasa 45 naman sa mga ito ang nananatiling aktibong kaso, habang 107 naman ang nasawi dahil sa COVID-19.