Muling nagpahayag ng kahandaan si Pangulong Rodrigo Duterte na magbitiw sa puwesto.
Ito ay kung may makapagpapatunay aniya na tumatanggap siya ng pera o suhol kahit piso.
Sa kanyang lingguhang ulat sa bayan, sinabi ni Pangulong Duterte na agad siyang magbibitiw kung may kahit isang tao lamang ang makapagpapatunay na tumatanggap siya ng pera.
Kanya rin aniyang hihilingin sa mga cabinet officials na mag-resign kung mapatutunayang tumanggap ng suhol o nagkaroon ng kickback sa anumang transakyon sa pamahalaan.
Just 1 person, 1 affidavit walang imbento yung totoo yung sinabi na tumanggap ng mga pera, you just bring him to him or bring him before the public announcement, if true I will render ay resignation as the President of this Republic, that is my guarantee to you basta totoo, do not lie ‘wag ka mag-imbento… masama yan kapag ganoon ikaw ang patayin ko,” pahayag ng Pangulong Duterte.
Kasabay nito, muling idinepensa ni Pangulong Duterte si Health Secretary Francisco Duque III sa isyu ng katiwalian.
Kanya ring tiniyak na hindi mababahiran ng anumang uri ng kurapsyon ang pagbili ng Pilipinas sa bakuna kontra COVID-19 oras na maging available na ito.
…iyang vaccine na ‘yan its worth billion, they said we will need about 73-B to vaccinize the population, yan teritoryo ni General Galvez I have all faith, walang kick back, kick bak,a wala lahat it will be clean whatever be the vaccine,” ani Duterte.