Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga indibidwal na nagpapaputok ng baril tuwing bagong taon, kabilang ang mga pulis at sundalo.
Ayon kay Pangulong Duterte, pinag-aaralan na niyang mabuti kung paano maaaring gawing mabigat ang parusa laban sa mga walang habas na nagpapaputok ng baril kasabay pagdiriwang ng new year.
Aniya, maaaring lumapit siya sa kongreso at ipanawagan ang pagbalangkas ng batas laban dito.
Iginiit ng pangulo, hindi maaaring ikatuwiran ng mga ito na hindi nila sinasadya o hindi nila alam na mayroong tatamaan ng bala.
Tiniyak din ni Pangulong Duterte na kanyang pahihirapan ang mga pulis o sundalo na mahuhuling nagpapaputok ng kanilang baril kasabay ng pagdiriwang ng bagong taon.
Do not give me that s**** kung sasabihin mo di mo sadya if you know that it hits the person you are guilty of homicide or maybe murder walang kalaban-laban ang tao, it is not accident anak ng **** kasi bala ‘yan… kapag tumama ‘yan sa bata wala kayong utak , Iam reminding , policemen, military men and civilians licensed or not,″ pahayag ni Pangulong Duterte.