Aminado ang Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ang operator ng NLEX corporation, na nagkakaroon ng problema ang implementasyon ng cashless collection system sa kanilang tollway.
Kasunod ito ng tuluyang pagsuspinde ng Valenzuela City LGU sa business permit ng NLEX.
Ayon kay MPTC Chief Communications Officer Atty. Romulo Quimbo Jr., hindi perpekto at nakararanas talaga ng technical problem sa pagpapatupad nila ng cashless transaction.
Gayunman, kanila aniya itong tinutugunan at patuloy nagtatrabaho para pagandahin ang kanilang serbisyo.
Sinabi ni Quimbo, kasalukuyan na nilang pinag-aaralan ang ipinalabas na suspension order ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian.
Bukas din aniya ang MPTC na makipag-usap kay Gatchalian at iba pang opisyal ng pamahalaan para maresolba ang problema sa trapiko sa Valenzuela City.