Isang cyber defense doctrine umano ang kailangan itatag para maprotektahan ang Pilipinas mula sa mga cyber threat at mga state-sponsored hacking attack.
Ito ang iminungkahi ni Sen. Risa Hontiveros sa pagdinig ng Senado sa franchise renewal ng third telecommunications company na Dito Telecommunity.
Ayon kay Hontiveros hindi maaaring isantabi ang posibilidad na isang security concern ang pagpasok sa bansa ng dito lalo’t 40% ang bahagi ng China sa nasabing telco.
Binigyang diin din ng Senadora ang paghingi ng kumpanya ng pahintulot na makapagtayo ng cell tower sa loob ng kampo ng militar.
Giit ni Hontiveros kulang ang Pilipinas sa pagkakaroon ng isang mapagkakatiwalaang depensa kontra sa mga cyber attack kaya’t posibleng malagay sa alanganin ang sandatahang lakas at intelligence community ng bansa.