Bahala na ang mga kura-paroko na magpatupad ng mahigpit na health protocols sa bawat simbahan.
Ayon ito kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Spokesman Father Jerome Secillano, sa gitna na rin nang pagsisimula ng Simbang Gabi sa ika-16 ng Disyembre.
Sa ngayon ay nasa 30% lamang na populasyon ng simbahan ang papayagang makadalo sa misa tulad halimbawa ng misa sa Quiapo Church na may pang alas-4 ng umaga hanggang alas-6:30 ng umaga simula ika-16 ng Disyembre habang mayroong anticipated mass na magsisimula ng alas-6 ng gabi, alas-7:15 ng gabi at alas-8:30 ng ika-15 ng Disyembre.
Sinabi ni Secillano na mayroon ding anticipated mass sa Liwasang Bonifacio na malapit sa Manila City Hall ng alas-8 ng gabi.
Ang mga nasabing option aniya ay para maiwasan ang pagsisiksikan ng mga dadalo sa mga misa.
Ipinabatid pa ni Secillano na nakikipag-ugnayan na rin sila sa local government units para sa pagpapatupad ng physical distancing sa loob ng mga simbahan.