Natanggap na ng Philippine Air Force ang anim mula sa 16 na black hawk helicopters na in-order nito mula sa Poland.
Pinangunahan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pag-turn over ng anim na S70I black hawk combat utility helicopters sa Clark Airbase sa Pampanga 20 buwan matapos lumagda sa kontrata noong March 2019.
Inaasahang maide-deliver sa susunod na taon ang 10 pang black hawk helicopters na gagamitin sa pagbiyahe ng mga cargo at personnel, medical evacuation, casualty evacuation, aerial reconnaissance, disaster relief operations, troop insertion and extraction, combat re supply, combat search and rescue at limited close air support.
Itinuturing ni Lorenzana na blessing in disguise ang aniya’y nasabing better deal sa mas malakas na black hawks na nabili sa mas murang halaga ng bell aircraft.