Nagpaalala ang Malakanyang sa mga lokal na opisyal na nagsusulong ng suspensyon ng business permit ng NLEX na alalahanin ang mga foreign investors sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kinikilala naman ng gobyerno ang kapangyarihan ng mga lokal na pamahalaan na bumawi at mag-isyu ng mga business permit.
Ngunit ani Roque dapat ding balansehin ng mga local officials ang mga proyekto na ginagawa ng pribadong sektor.
Gaya aniya ng expressways na ngayon ay dine-develop posibleng madismaya aniya ang mga future investors kung palaging mangyayari ito.
Magugunitang sinuspinde ng Valenzuela City government ang business permit ng Metro Pacific Tollways Corporation na operator ng NLEX Corp.
Dahil sa pagkabigo nitong sundin ang demand ng lungsod na ayusin ang kanilang serbisyo kaugnay sa cashless transaction na nagdudulot ng mabigat na daloy ng trapiko.