Tinukoy ng Department Of Health (DOH) bilang COVID-19 hotspots ang Davao City, Laguna, Rizal, Benguet at Baguio City.
Paliwanag ni Health Secretary Francisco Duque III, ito’y base sa bilang ng mga naitalang bagong impeksiyon kumpara sa kabuuang populasyon.
Batay sa pinakahuling datos ng DOH, nakapagtala ito ng 1,504 na bagong kaso dahilan upang pumalo na sa 447,039 ang total cases sa Pilipinas.
Umakyat naman sa 409,329 ang total recoveries kasunod ng paggaling ng halos 300 pasyente (273).
Samantala, dahil sa pagpanaw ng 8 pang COVID-19 patients ay sumampa na sa 8,709 ang death toll sa buong bansa.